Mga taong bulag pagdating sa sarili nila

Lahat naman siguro tayo ay nahusgahan na ng mga taong walang magawa sa buhay, hindi mo alam kung nagmamagaling ba , nagpapansin o kung ano pa man.

Mga taong walang ibang alam kung hindi husgahan yung pagkatao mo. Kahit hindi ka nila kilala, kahit hindi nila alam yung buong pagkatao mo at hindi nila alam yung istoryang meron ka’ hindi ka pa rin makaliligtas sa mga taong mapanghusga.

Mga tao na hindi nag-iisip sa mararamdaman nung hinuhusgahan nila’ kung masasaktan ba ‘dahil sa sasabihin nila. Hindi nila alam yung pinagkaiba sa pagitan ng opinyon at panghuhusga. 

Kahit nakagawa ka ng maraming kabutihan sa kanila’ pag nagkamali ka ng kahit isa lang, balewala na yung maraming kabutihan na nagawa mo’ dahil huhusgahan ka na nila sa isang pagkakamali mo lang.

Nakakagalit, nakapag-iinit ng dugo, na bilang tao ay huhusgahan ka kahit hindi ka nila lubos na kilala. 

Mga taong nagingialam kahit wala namang alam.

Mga taong mapanghusga sa iba. Pero pagdating naman sa sarili nila’ mga bulag sila. 

#Tagalog

INA


Malaki ang paghihirap mo bilang ina, Simula pa lang noong naglilihi ka.

Siyam na buwan mo kong dinala mula sa iyong sinapupunan, At habang nanganganak ka ay nasa hukay ang iyong isang paa.

Ng pinanganak mo ko ay labis ang iyong saya, 

Habang tinititigan mo ang isinilang na ako, ay hindi maalis-alis sa iyong labi ang mapangiti.

Inalagaan mo ko at tinuruan mo kong lumakad, 

Pinalaki mo ko na maging isang mabuting anak,

Pinag-aral/aaral mo ko para magkaroon ng magandang kinabukasan sa hinaharap,

Ibinibigay mo ang lahat kong pangangailan , kahit yung dapat ay para sayo na lang, sa akin mo pa din ibinibigay.

Napakabuti mo ina.

Napakabuti ng mga ina. 

Walang katulad ang kanilang pagmamahal at pag-aalaga,

Kaya lagi nating iparamdam sa kanila na mahal natin sila at importante sila sa atin na mga anak nya.

Sa kanilang pagtanda’alagaan natin sila,

Ibalik o suklian natin ang ginawa nyang paghihirap at pag-aaruga.

Salamat ina ! Ngayon ay binabati kita.

HAPPY MOTHER’S DAY INA ๐Ÿ˜˜

P.s- Happy mother’s day to all moms around the world.

Simula

Matagal tagal na rin akong naghihintay,

Naghihintay sa taong hindi ko sigurado kung babalik pa ba.

Matagal tagal na rin akong umaasa,

Umaasa na minsan isang araw ay magpaparamdam sya. 

Matagal tagal na rin akong nag aaksaya ng luha,

Nag aaksaya ng luha sa taong ng iwan na lang sakin bigla.

Matagal tagal na rin akong hindi nakakatulog sa gabi,

Hindi nakakatulog sa gabi dahil sa taong hindi marunong magpahalaga.

Matagal tagal na rin akong nagdurusa,

Nagdurusa sa hindi ko naman ginawa.

Matagal tagal na rin akong nasasaktan,

Nasasaktan sa taong wala naman pakialam.

Ngayong araw na ito, ito na ang Simula ng paglimot ko sayo.

Ngayong araw na to, puputulin ko na ang lahat ng koneksyon na meron tayo.

Ngayong araw na to, kakalimutan ko na ‘ na minsan ay nagkaroon ng tayo.

#Tagalog #Simula #Paglimot

For you letter “J”

Nakakaiyak! Naiiyak na naman ako everytime na maaalala kita. Yung ikaw na bumubuo ng araw ko dati‘ yung ikaw na na nagpapasaya sakin dati. Tuwing naiisip ko na wala na yung dating tayo’  bukod sa nanghihinayang ako. Ang SAKIT SAKIT pa sa loob. Gustong gustong kumawala ng mga luha sa aking mga mata dahil sayo. Ang Gaga ko lang kasi ! Bakit ang bilis kong ma-fall ? Pero tinatanong ko pa yung sarili ko kung Mabilis nga ba kong ma-fall o talagang pa-fall ka lang talaga? Pero hindi eh. Ramdam kong sincere ka kapag sinasabi mong gusto mo ko, na mahal mo ko, na aantayin mo ko.

Dati ang saya saya natin. Yung nagigising ako everyday ng may sigla’ ng may saya dahil sayo. Ang ayos ayos natin dati. Pero ngayon… Ngayon… Wala na. 

Oo alam kong ligawan pa lang yung ngyari. Pero sabi mo hihintayin mo ko hanggang sagutin kita? Eh bakit ngayon nasaan ka na? Iwan iwan na lang bigla? Ganun ganun na lang ba yon? Pagkatapos mong kunin yung loob ko? Iiwanan mo ko Without any reason ?

Tingin ko nga mukha akong kawawa’dahil mukhang ako pa naghahabol sayo. Binlock mo pa ko sa chat sa facebook. Nagpost pa ko sa fb at minentioned kita pero hindi mo ko pinansin. Tapos text ako ng text sayo dahil ayokong mawala ka. Nagsorry ako ng nagsorry sayo kahit alam kong wala naman akong ginawang kasalanan. Pero hindi mo man lang ako nireplyan! 

Never ako naghabol J ! Sayo lang ! Dahil nagustuhan na kita. Dahil minahal na kita at naghihintay lang ako ng tamang panahon para sagutin ka. Kaso hindi mo pinahalagahan yun! Nagmukha akong baliw na kumakausap sa hangin. Na kahit magsalita ako ng magsalita. Parang wala lang akong kinakausap.

Pero wala nagpapakatanga pa rin ako hanggang ngayon. Dahil hanggang ngayon’ umaasa ako na darating yung araw na magtetext ka, tatawag o kaya magchachat ka. Umaasa ako na magpaparamdam ka. Umaasa pa rin ako na babalik ka. Na babalikan mo ko. Na babalik tayo sa dati.

Everyday Tinitignan ko yung facebook mo. Kung anong mga posts mo. Oo! Ini-stalk kita. Pinagmamasdan ko yung mga pics. Mo. Tapos mapapangiti na lang ako. Tapos maya-maya mapapaiyak na ko. Siguro dahil miss na miss na kita sobraaa! ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”

Sana J kahit minsan maalala mo kong kamustahin ๐Ÿ˜ข. O kaya kahit simpleng Hi lang. Masaya na ko don.

Pero kung di ka na talaga babalik.Siguro hanggang dito na lang talaga tayo’matagal tagal ka na rin hindi nagpaparamdam. Nasa plano lang talaga siguro ni God na pagtagpuin lang tayo. Hindi siguro tayo talaga para isa’t-isa. May nakalaan siguro para sayo na  iba at may nakalaan din siguro para sakin na ibang tao.

-Anne

Duterte for president: change is coming

 Para sakin Si Duterte lang ang nakikita kong qualified na maging presidente ng Pilipinas. 

Ang Simpleng tao na totoong may malasakit sa tao. 

Pero dahil sa paraan nya kung paano magsalita’ at kung paano hatulan ang taong nagkasala. Hinuhusgahan na agad sya ng maraming tao. 

Totoo nga ‘ na kapag tumataas ka na, hahatakin ka naman pababa ng nga taong inggit sayo. Alam kasi nila na kapag ikaw ang nanalo. Hindi na makakalusot ang pagiging corrupt nila o mga katiwaliang ginagawa nila. Kung kailan malapit na ang botohan. Saka sila maglalabas ng mga paninira laban sayo. Na ikaw daw at may itinatagong yaman. Ginugulo nila ang isip ng nga taong gusto kang iboto. Pero ako! Naniniwala ako na malinis ang intensyon ng pagtakbo mo.

Sa kanilang lahat na tumatakbo sa pagka-presidente. Sya yung sa tingin ko na hindi lang basta pangako yung plataporma. 

Sya yung nakikita ko na gagawin kung ano yung sinabi nya.

Pag sya ang nanalo. Sigurado akong malaki ang magiging pagbabago.

Halos lahat naman siguro lahat tayo. Ang gusto mawala sa Pilipinas ay yung Mga patayan. Mga rapist. Saka yung mga panghoholdap pagnanakaw etc.  Bakit sa ibang mga bansa hindi naman uso yung mga yan ๐Ÿ˜. 

Sana mangyari sa Pilipinas na’ pwede kang lumakad mag-isa ng walang pangamba, yung walang takot na may mangyayari sayo sa kalsada. Yung kahit gabihin ka pauwi galing sa trabaho o skwela ay walang mangyayari na masama. (Holdap,rape)

Sana mabago nya yung Pilipinas kasama ng mga magiging ka line up nya.

Buti na lang sya ang napagkaisahan na dadalhin ๐Ÿ˜๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡น.

Kung hindi lang talaga magkakaroon ng dayaan sa botohan. For sure panalo ka na Digong. Sa inyo na ang boto ng INC , tapos karamihan sa mga OFW sayo rin.

#DuterteForPresident #ChangeIsComing ๐Ÿ‘Š๐Ÿป๐Ÿ‘†๐Ÿผ

Unang tibokย 

Heto na naman ako, nakatingin mula sa malayo’ pinagmamasdan ka habang nakatayo.

Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.

Pakiramdam na sa tuwing masisilayan kita’ labis ang aking saya.

Sa tuwing makikita ko kung paano ka ngumiti’ Tila automatikong napapangiti rin ang aking labi.

Ang mga mata mong kayganda’ na may mahahabang pilik-mata. Sa tuwing tinitignan ko ang mga ito, ay para akong hinihila papunta sa harapan mo.

Ang mga labi mo na mamula-mula, sa twing madadaanan ito ng aking mga mata’ ay sinasabi ng isip ko, na gusto kong halikan ka.

Ang lakas ng epekto ng tibok ng puso ko. Para akong masisiraan ng ulo.

Kapag hindi ka nakikita’ pakiramdam ko ay nasasayang at hindi mabuo-buo ang araw na mayroon ako. 

Sa twing makaka-salubong naman kita sa may kanto, nahihiya ako na magpakilala sayo.

Hanggang dito na lang kaya ako?  Hanggang tingin na lamang sayo?

Sana naman dumating na ang araw na kaya kong magtapat ng nararamdaman ko para sayo.

Na ikaw ang unang tinitibok ng puso kong ito.

At Para masabi ko sayo, na mahal kita’ at kung maari ba ay maging tayo.

Ngayon kasi ay may takot pa sa puso ko ‘ na ipagtapat sayo ang paghanga at pagmamahal na mayroon ako,

Dahil baka ikaw naman sa akin ‘ay walang gusto.

Afraid to die

Mahigit Alas dos na pala ng umaga pero hindi pa ko makatulog. Tapos bigla ko na lang naisip yung salitang “afraid to die”. Parang nakaka-loko lang. Pero inumpisahan ko pa rin na isulat.

Halos Lahat naman yata tayo ay takot na mamatay. Pero wala din naman tayong magagawa dahil doon din naman tayo mapupuntang lahat. Oo, Maaring hindi nga ngayon, bukas , sa isang linggo, sa isang bwan, o sa isang taon pero may nakalaan talaga na araw kung kailan kukunin ng panginoon ang hiram na buhay natin na nagmula sa kanya.

 Iniisip ko/natin pa lang ang pagkamatay ay sobrang natatakot na ko ,at natatakot ka na din siguro. Lalo na kung marami ka pang gustong gawin sa buhay o mga pangarap na hindi mo pa natutupad.

Habang hindi pa nya binabawi yung buhay mo. Dapat Gawin mong makabuluhan ang bawat araw mo. Gawin mong mahalaga ang bawat oras na mayroon ka. Gawin mo yung mga gusto mong gawin na alam mong magpapaligaya sayo basta alam mong hindi ito masama.

Huwag mo sayangin yung bawat araw mo, dahil nasaktan ka at dahil iniwan ka ng jowa mo. Huwag mong aksayin yung bawat araw mo na naghahabol ka sa isang taong wala namang pakialam sayo. Huwag mo sayangin yung bawat araw mo dahil Ipinagpalit ka nya sa iba. Huwag mo sayangin yung bawat araw mo para lang sa kanya. Dahil magiging talo ka lang. Inuulit ko, matatalo ka lang. Dahil sya ineenjoy o naeenjoy nya na , yung bawat araw nya na kasama yung bago nya habang ikaw heto at nagdurusa, heto at sinasayang ang bawat araw na nagdadaan sa buhay mo dahil sa pagluluksa sa kanya na wala namang kwenta. (Ayan! Napunta na naman ako sa love) 

Pero Marami pa rin na nagpapakamatay. Bakit ganon? Hindi ba sila kagaya ko ? O kagaya ng nagbabasa nito’ Na takot mamatay?  Siguro ay dahil sa dami o bigat ng problema kaya nila nagagawa yon. Pero kahit na, mali! Maling mali.

Bakit ang iba naman kahit marami o may mabigat na problema ‘ mas pinipili pa rin mabuhay ? Dahil ba takot din sila mamatay’ Na kagaya mo at kagaya ko? O mas pinili lang talaga nilang enjoyin ang buhay na mayroon sila kahit maraming problema?